December 09, 2011, 4PM Nagkita kami ni Bes Ann sa SM Megamall at dumiretso na kami sa tutuban sakay ng MRT at LRT2 para sumakay ng tren ng PNR papuntang bicol (Naga) dahil gusto namin ma-experience bumyahe sakay ng tren, at pagbaba namin ng Recto Station inabutan na kami ng rush hour dahil mag alas singko na ng hapon, kaya kumuha kami ng kuliglig sa halagang 100 para makaiwas sa traffic dahil kailangan namin habulin ang last trip ng tren ng 6:30PM. Pagdating namin sa tutuban biglang bumuhos ang malakas na ulan at sa pagkakaalam ko nun merong isang bagyo, ng kukuha na ako ng ticket sinabi sa akin na cancel daw ang byaheng bicol dahil merong isang part sa quezon na natabunan ng lupa ang riles dulot ng landslide, umalis na kami sa tutuban at kumain muna kami bago pumunta sa cubao dahil pagod na pagod na kami ng mga oras na yun :)). Pumunta kami sa Araneta Center Cubao Bus Terminal para dun na lang sumakay ng Bus. sa kasamaang palad wala ng aircon bus, at dalawang ordinary bus na lang ang natitira sa terminal.
@ministop
Umalis ang bus ng 10PM at sa una ok naman ang naging byahe namen pero ng dumating na sa part ng quezon kung san lubak na ang mga kalsada saka bumilis ang takbo ng bus na sinasakyan namen, halos mauga sa kinauupuan namin dahil sa bandang likod ang nakuha naming pwesto, at pagsapit ng alas singko ng umaga tumilaok na ang mga manok na nasa likuran lang pala ng inuupuan namin, hindi naman kami nairita, nakakatuwa pa nga dahil isa din yun sa mga experience.
DAY 1
@Naga City Bus Terminal
6:30AM Dumating ang bus sa Naga at sinundo na kami ni Tin doon at dinala nya kami sa bahay nya sa Magarao, approximately 30 mins from Naga Bus Terminal.
Almusal na hinanda ni tin
Buko
Spaghetti, Gulay, Fried Chicken at Bicol Express
After namin mananghalian niyaya kami ni tin na pumunta sa centro (Naga City) at una naming pinuntahan ang SM Naga.
View outside SM Naga
Taxi
Ang laki na talaga ng pinagbago ng Naga City, dati walang taxi, ngayon meron na. Pagkatapos namin mamasyal sa SM, dinala naman kami ni tin sa isang bar.
..... nadaanan namin habang sakay kami ng tricycle, di ko alam ang tawag dito pero isa itong sari sari store na nasa motor/tryk.
(Left/Right) Jessa, Rambo, Tin & Dreadie
4:30 Umalis na kami sa bar at iniwan na namin ang mga kaibigan ni tin at nagpahatid kami kay tin sa terminal ng jeep (Harap ng SM Naga) ng papuntang Minalabac para dun magpalipas ng gabi sa mga kamag anak ko (Father Side), 7PM na kami nakarating sa bahay at pagkatapos namin maghapunan at nagpahinga na kami. :)
DAY 2
Almusal
Coffee, Hot Pandesal & Balisuso'
.......ang balisuso' ay gawa sa giniling na malagkit na bigas na binalot sa dahon ng saging.
.......ang bundok na lagi kong nakikita nung bata pa ako, pagnakita mo sya ng malapitan may makikita kang isang malaking kulay puti sa bundok at tinatawag nila iyun na "Puting Bato" o "Puting Gapo" naman sa salitang bicolano, sabi nila marami daw kweba sa "Puting Bato".
Mt. Isarog
......sinubukan ko pa din kunan ng picture ang mt. isarog kahit na natatakpan ng makapal na mga ulap. hahaha fail.
My nephew
Pumunta ulit kami sa bahay ni tin sa magarao para ipasyal naman kami sa iba pang lugar sa naga, at una naming pinuntahan ang Our Lady of Peñafrancia
Photo taken as we entered the Basilica
The Basilica of Our Lady of Peñafrancia
Bes Ann
The Interiors.
(Left/Right) Ann, Dreadie & Tin
Pagkatapos namin libutin at makapagdasal sa basilica, sunod naman namin pinasyalan ang CWC na matatagpuan sa Provincial Capitol Complex Cadlan, Pili Camarines Sur.
Visit: http://www.cwcwake.com/
Bumalik ulit kami sa Centro (Naga City) para makapag ikot pa, pero dinala muna kami ni tin sa isang kainan pero nakalimutan ko yung saktong pangalan ng kainan, naalala ko lang "Celia". Dinarayo talaga ang kainan na yun dahil sa dami ng kanilang parokyano meron pa kaming nakita sa dingding na mga pictures ni Iza Calzado na patunay na kumakaen din sya doon. :)
Loglog / Kinalas with laman
Fried Siopao / Toasted Siopao
Porta Mariae
Naga Metropolitan Cathedral Grounds
Plaza
.....Huwag nyo din kakalimutan tikman ang masasarap nilang pagkaen, sa pag iikot namin sa naga nasa tatlo ang nakita naming outlet nila, isa sa may SM Naga at dalawa naman malapit sa plaza.
Visit: http://www.biggsdiner.ph/
Bitin man pero nag enjoy kami sa pamamasyal namin sa Naga kahit halos wala kaming pahinga. :)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento