Martes, Disyembre 6, 2011

Manloloko nga ba talaga ang pinay?

          Halos lahat ng kaibigan kong chatter's na babae ayaw nila ng may nag cha-chat sakanila na Indian, Karamihan kasi sakanila puro kabastusan lang, merong nag papa view ng cam tapos pag open nila, ari agad nila ang makikita mo. Pero meron akong kaibigan na nag iba ang tingin nya sa mga indian...

         "Isang araw may nag PM sakin, tinanong nya ASL ko (Age, Sex, Location), tinanong ko din ASL nya sabi nya 32 Male USA, Gwapo sya at mabait din, halos madami kaming napag usapan nung araw na yun, hangang sa dumating na nga na kailangan ko ng mag sign out, sabi nya may sasabihin daw sya, Sinabi na nga din nya na indian sya, nagulat ako, sabi ko bakit mo kailangan mag sinungaling?, Sabi naman nya, halos daw kasi ng mga Filipino pag sinasabi sa chat na Indian sila, ayaw nilang makipag usap kaya sinabi nya na taga USA sya. Naiyak ako ng sabihin nya yun, dahil ayaw ko talaga sa mga indian dahil sa bastos sila. Kaya mula nun friends na kami :)"

                                                                           ---Anne----



Question: Manloloko ba talaga ang pinay o sadyang wais lang o baka naman may iba pang dahilan?.

Please Comment :D

Real Annabelle Rama

                                                             




Di ko na kinaya ang iba nyang twit kaya sa mga gustong makita o mabasa pa ang iba nyang twit, punta na lang kayo sa twitter account nya

https://twitter.com/#!/annabellerama2


IKAW NA!!!

Sabado, Setyembre 10, 2011

Ikaw na! Birthday mo e.

Balik tanaw muna tayo, (Sana wala pa akong memory gap)


     Sa mga nakalipas kung birthday ginawan mo ako ng fan sign, Kuya dede pa nga tawag mo sakin nun, sa chat pa lang din tayo nakakapag usap at di pa tayo nag kikita nun, naalala ko pa sabi mo pupunta ka sa bday ko, tapos nabangit ko kay manok kung sino yung mga sasama at nabangit nga kita dun tapos biglang sinabi sakin na "Malabong makasama yun, taga tarlac pa yun e" 



   Minsan nagkayayaan mag inuman, Medyo na badtrip nga kami kay Jerome nun kasi mukhang ayaw kaming isama, Naalala ko pa usapan namen sa text nun,

Jer: Iinum kami
Ako: San? Sama kami.
Jer: Malayo e.
(Parang ayaw pa istorbo)

   Gang sa dumating nga si Jerome na kasama kayo at yun ang una nating pag kikita.


     Hangang sa lagi na tayong nag ba bonding lalo na sa pag kain, at ng minsan mag kita tayo sa mcdo nagulat ako sa nalaman ko sayo. Fan ka pa noon ng F4 na Korean, May mga dala ka pa nun na badge's, T-shirt saka mga Clip. (teka tatawa muna ako )

Di mo na nilabhan yung t-shirt mong koreano.

      Pasasalamatan din kita sa mga walang humpay na gala naten na halos isang linggo din. Basta kasama kita puro tayo mga kalokohan.

(Inuman sa bahay)

   1 on 1 pa tayo nun dito tapos nagtawag tayo ng ka inuman nung hating gabi na hahahaha.









(Star City)
     Star City with BK, Jeyel, toots, at ikaw. Di ko pa anak nun si toots, naingit lang sya sayo, kaya naki daddy na din.
(Ron's Crib)

   After naten sa Star City hinatid naten si toots at nung nandoon na tayo parang mga ayaw pa naten umuwi kaya naman kinontak naten si Ron na mag inuman tayo.








(Bataan)


     After ng bday mo, Lakas tama na naman tayo nun ang simpleng yayaan napunta sa totohanan kaya naman nakarating ako, jeyel at ervin sa bataan ng di inaasahan.












(F4 ng Bataan)

     









     ........................................................................................................................................................
        HAPPY BIRTHDAY NAK!!!!

Ingat ka lagi sa lahat ng mga ginagawa mo.at kung sinasabi ng iba na wag kang magbabago, ako sasabihin ko sayo magbago ka na.

Mag antay ka lang nak may darating din na tamang lalaki sa buhay mo, malay mo isang taong grasa pala ang future mo (HAHAHAHAHA) o kaya naman yung type mo talaga ang maging future mo, basta antay ka lang nak gang sa umabot ka ng 80+.

Saka wag mo masyadong pinag iisip ang mga problema mo, SOBRANG daming nagmamahal sayong mga kaibigan na handang tumulong sayo, saka malakas kang tao at madiskarte din.

Sobrang Pasalamat ako dahil nakilala kita, bukod sa busog ako, marami akong natutunan sayo, Gusto mong sample?
1.  Marunong na akong mag BP
2.  Natutunan ko din ang gumastos ng sobra sobra
3.  Uminom ng sagaran at Mag gagala kung san san.
HAHAHAHA Joke lang :*

Basta ikaw Nak malaki ang naitulong mo sakin, kaya pasalamat talaga ako dahil nakilala kita.


    I MISS YOU AND I LOVE YOU NAK



HAPPY BIRTHDAY ULIT NAK, Ikaw na! Birthday mo e, kaya inuman na.

Lunes, Agosto 29, 2011

PILIIN MO ANG PILIPINAS LYRICS




PILIIN MO ANG PILIPINAS
 By: Angeline Quinto & Vince Bueno

Minsa'y natuwa ang Maylikha
Pitong libong pulo ang ginawa
Mga hiyas na inilatag
Sa mala-sutlang dagat

At ang bayan Niyang pinili
Nsa dulo ng bahaghari
kaya't isanlibong kulay
Nang-aakit, kumakaway

Piliin mo rin ang Pilipinas
Kapuluang kwintas ng perlas
Piliin mo, yakapin mo
kayamanan nyang likas, Piliin mo ang Pilipinas

Kasayahang di mapatid
Ramdam sa bawat awit
sa masisiglang indak
mga puso'y lumilipad

Piliin mo rin ang Pilipinas
Kapuluang kwintas ng perlas
Piliin mo, yakapin mo
kayamanan nyang likas, Piliin mo ang Pilipinas

At ang ngiti ng Maykapal
Taglay ng bawat nilalang
May lambing na dumuduyan
Sa buong Pakiramdam

Piliin mo rin ang Pilipinas
Kapuluang kwintas ng perlas
Piliin mo, yakapin mo
kayamanan nyang likas, Piliin mo ang Pilipinas

Dito ay itinadhana
Araw, buwan at mga tala
Ganap na magniningning
Kailanma'y di magdidilim

If you know what i'm talking about
Suitcase in the house with the party sound
First choice, first love -if ya'll ask the crowd
"WE GONNA CHOOSE PHILIPPINES"
Come on shout it out
Everybody's gonna dance to this
I see the whole world party in the Philippines
Philippines now with Angeline
Quinto, Bueno-on the TV screen hey!
This is like a samba
From Rio to Manila will be hittin' on drums ya
Shake shake it off on beats of life
No more drama
And shout: WE GONNA CHOOSE PHILIPPINES
No one other
The world keeps talking
But we aint walkin'
We keep on dancing
That's how we rock it
7,107 island of beauty
See pieces of heaven

Piliin mo rin ang Pilipinas
Piliin mo rin ang Pilipinas
Piliin mo rin ang Pilipinas
Piliin mo rin ang Pilipinas

Piliin mo rin ang Pilipinas
Kapuluang kwintas ng perlas
Piliin mo, yakapin mo
kayamanan nyang likas, Piliin mo ang Pilipinas

Piliin mo rin ang Pilipinas
Kapuluang kwintas ng perlas
Piliin mo, yakapin mo
kayamanan nyang likas, Piliin mo ang Pilipinas

Piliin mo rin ang Pilipinas
Piliin mo rin ang Pilipinas




Biyernes, Agosto 26, 2011

Long Weekend Ngayong August.

        Dahil Sabado at Linggo ay walang pasok ang iba, mas nadagdagan pa ang kanilang bakasyon dahil sa Lunes ay National Heroes’ Day at sa Martes naman ay ang pagtatapos ng Ramadan.


                                                  Bayani Fernando & Bayani Agbayani 
                         Sila ang dalawang buhay na bayani (lol)



         Ano bang plano mo ngayong long weekend?  Magbakasyon sa isang tabing dagat? habang bumabagyo? pupwede naman yun, Pag su surf ang bagay sayo.

        Pero kung gusto mong ganyang trip ngayong long weekend pero nalalayuan kang pumunta ng CamSur, Surigao at kung san pa, Pwede mong gawin ito.


        Pero sa mga walang balak lumabas ng bahay dahil na din sa masamang panahon dulot ng bagyong Mina mas makabubuti na manatili na lamang sa loob ng bahay.
                                                                                  ....lol


     Mas mainam na gawin mo/natin ngayong long weekend ay ang mag linis ng kapaligiran para malabanan ang Dengue.

Ito ang dapat tularan:


                                                                 via GMA NEWS



HAPPY LONG WEEKEND!

Lunes, Agosto 1, 2011

Indak - Up Dharma Down Lyrics



Up Dharma Down - Indak (lyrics)

Tatakbo at gagalaw
Mag-iisip kung dapat bang bumitaw
Kulang na lang, atakihin
Ang pag-hinga’y nabibitin

Ang dahilan na alam mo na
Kahit ano pang sabihin nila
Tayong dalawa lamang ang makakaalam
Ngunit ako ngayo’y naguguluhan

Makikinig ba ako
Sa aking isip na dati pa namang magulo?
O iindak na lamang
Sa tibok ng puso mo

At aasahan ko na lamang na
Hindi mo aapakan ang aking mga paa
Pipikit na lamang at mag-sasayaw
Habang nanonood siya…

Paalis at pabalik
May baong yakap at suklian ng halik
Mag-papaalam at mag-sisisi
Habang papiglas ka ako sayo ay tatabi

Tayong dalawa lamang ang nakaka-alam
Ngunit hindi na matanto kung sino nga ba ang pag-bibigyan ko
Makikinig nga ba sa isipan na alam ang wasto

Ngunit pipigilan ang pag-ibig nya na totoo

Iindak na lamang ba sa tibok ng puso mo
At aasahan ko hindi mo lamang aapakan ang aking mga paa
Pipikit na lamang at mag-sasaya
Habang nalulungkot ka

Pipikit na lamang at magsasaya
Habang nalulungkot ka, Ako'y litong lito
Tulungan nyo ako, di ko na alam
Kung sino pa'ng pagbibigyan ko
Ayoko na ng ganito, ako ay litong lito

Huwebes, Hunyo 30, 2011

Count Down sa OPM Videos? Hmmm?

Napapansin nyo ba sa tuwing nanonood kayo ng MTV, MYX o kaya naman YOUTUBE ng mga OPM Music Videos e karamihan may mga count down sa umpisa.

Ito ang TOP 10 ko.

No. 10
Pasok sa number 10 ko ang Blue Sky by Hale, na kinuha sa isang lugar sa Marikina noong 2006.

No.9

Mayonnaise - Bakit Part 2. ito ang kanta ng mayonnaise na una kong nagustuhan. kakaiba ang video nya pero bakit may count down pa?

No. 8
AW!!!. may naalala agad ako. hahahaha, susunduin ko pa ba? tsk tsk tsk. skip skip skip........ Number 8 Sundo By Imago.

No. 7
Orange and Lemons - Yakap Sa Dilim at number 7, ang Apo hiking society kaya may count down din ang video nila? hmmmm ma search nga. hehe...

No. 6

Pasok din sa aking top 10 ang kanta ng Moonstar 88 na Panalangin na Original ng APO, Hmmm pangalawa na pala to ng apo sa top 10 ko.

No. 5

Itchyworms at number 5, Syempre pasok din kanta nilang Beer na parang sumabog sa bilis na pagiging papolar ng bandang ito (tsk may count down kasi kaya sumabog).

No. 4

Astig tong kantang to, kanta ko to dati sa isang tao at kanta ko na din to sa ibang tao. amp bat ba ako laging hirap mag move on. hahahaha buti na lang may gantong kanta nakakagaan kahit paano. Kung Ayaw Mo Na Saakin by Sugarfree.

No. 3

Gloc 9 ft Jeazell - Upuan at number 3, Napaka gandang lyrics at bagay to sa mga nakaupo sa gobyerno na BUWAYA. hahahaha, Ano kaya nararamdaman ng mga taong yun kapag napapanood nila to o kaya naririnig nila sa mga radyo, Nag rarap din kaya sila ng mala Gloc 9? o kumakanta sila ng paungol na parang si Jeazell.

No.2


Unang Tikim ng Kamikazee ay PASOK sa No. 2, Unang tikim ng ano? HAHAHA

No. 1

Woooooooo syempre i No. 1 ko ang Idol ko,........... UP DHARMA DOWN - WE GIVE IN SOMETIMES. ganda ng meaning, astig na video.

Pero lahat sila may Count Down sa una. bat ganto sila gumawa ng video? hahaha paki kalat nga at paki sagot kung bakit.

Kiko Machine Vs Tanya Markova

                  Kiko Machine - Val Sotto
 
         4th year ata ako ng una kong madinig to, na LSS agad ako dito, at bukod dun medyo comedy ang dating ng lyrics kaya di mo agad makakalimutan ang bandang to at lalo na ang kantang to, isama mo na din si Val Sotto. 
                 Tanya Markova - Linda Blaire

         Kung may Val Sotto ang Kiko Machine meron din ang Tanya Markova, si Linda Blaire.
  
         Last year (2010) ko unang nadinig to at gaya ng dati, na LSS din agad ako dito at sino ba naman ang di ma e LSS sa kantang to kahit bata e kinakanta to dito samen, sabi nga nung bata (Teacher teacher ako si linda blaire and the lord is everywhere) HAHAHAHAHA.

        Ang dalawang Bandang ito  ang kinahihiligan ko mula noon, hangang ngayon. pero ang panalo para sa akin ay ang 

TANYA MARKOVA!!!

At di maikakaila sa galing nila ay madami na silang natatangap na parangal.
  • Won: Best New Artist (2010)
  • Won: Best Music Video - "Disney" (2010)
  • Won: Best Live Act (2010)
  • Nominated: Artist of the Year (2010)
  • Nominated: Album of the Year - "Tanya Markova" (2010)
  • Nominated: Guitarist of the Year - EJ Guevarra, Florante Sabas (2010)
  • Nominated: Song of the Year - "Picture Picture" (2010)
  • Won: Favorite New Artist (2011)
  • Nominated: Favorite Music Video - "Disney" (2011)
  • Nominated: Favorite Song - "Disney" (2011)
  • Nominated: Favorite MYX Live Performance (2011)
  • Won: OPM Band of the Year (2010)
  • Won: New Artist of the Year (2010)